Sunday, April 5, 2009

Mga Babae

Nalilito, nahihilo
Ano na bang gagawin ko?
Ginawa na ang lahat
Pero hanggang ngayo'y gulong-gulo

Nasan ka na ba?
Masaya ka pa rin ba?
Kamusta na sya?
Malaki na ba?

Sa'yo, pasensya
Maraming beses din
Akong nagloko
Hindi lang sa kanya

Salamat sa patulong sakin
Binalik mo ko sa daan
Pero hindi bagay
Hindi na lang

Isa ka pa
Babae o lalaki?
Naalala ko
Nagtatakipan pa tayo

Naalala pa rin kita
Sa rooftop nila Roan
Sinira mo ang puso ko
Pero ginising mo ako

Ang bata mo pa
Mag-iingat ka
Di na babalik pa
Magpakasaya ka

Ingat sa pangarap
Alam kong magaling ka
Ingat sa mga bus
Hindi kita makakalimutan

Nakauwi na ba sya?
O sabay kayo?
Hindi ko masabi sayong
Ako na lang sana

Mga gabi sa telepono
Nalaman ko nangyari sa ate mo
Wag mo sanang gayahin
Mahirap mamatay nang umiiyak

Sa'yo naman ano bang gagawin ko?
Nahihilo, nalilito
Mahal kita... siguro
Nasusuka ako

1 comment: