ang buong mundo'y lumalabo
mga sugat ay gumagaling
akala ko'y naglaho
hindi pala, hindi pala
oras- oras, minu-minuto
kasama ka sa aking damdamin
maya-maya ikaw ay matutulog
kailan gigising?
ang lahat ng nasabi
ay nagpapa-init sa mga meron tayo
ang lahat ng nagawa
para sa'yo, mahal ko
may nagsabi na
kung mahal mo, hihintayin mo
alam ko
aking nabatid
may takot
wag kang mag-alala
may sasalo sa'yo
lipad diwata
lipad sa aking panaginip
lipad diwata
wag kang matakot
may sasalo sa'yo
ako
Thursday, December 3, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)
