Gabi ay umaga
Masayang-masaya
Papindot- pindot
Nawawala na
Ang msa sakit
at pagpangamba
Ilang buwan na lang
Akin ka na... sana
Alas-dose na pala
Buhay na buhay pa
Tulog na ang mundo
Naghihilik na
Nagpapalitan
Ng mga korning salita
Wala nang pakialam
Kung masaktan
Ala-una na
Matulog ka na
Wag kang mag-alala
Paggising mo ay mas maganda
Alam kung puyat ka na
Kaya mo pa ba?
Mauna ka na
Ihehele pa kita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment