Monday, April 20, 2009

Kung Kaya Kong Baguhin Ang Mundo

Kung kaya kong baguhin ang mundo
Hindi ka na masasaktan
Kung sakin lang ang lahat
Ibibigay ko ang lahat sa'yo

Kung perpekto lang ako hindi ako mahihiya
Hindi rin matatakot o mangangamba
Kung hindi ko nagawa sana yun
Hindi ako kasing saya ng nararamdaman ko ngayon

Kung pwede kitang akapin ngayon
Hindi na kita pakakawalan
Kung kaya ko lang akuin ang problema mo
Hindi ka na iiyak pa

Kung ako sana ang Araw
Hindi na maggagabi sa buhay mo
Kung ako lang sana sya
Mas magiging masaya ang mga Lunes mo

Kung mahal mo lang ako
Gagawin ang lahat para sa'yo
Kung iniisip mo lang sana ako ngayon
Mahimbing ang tulog mo mamayang gabi

Pero ako ay ako
Hindi ako siya
Pero kung sino man ako
Minamahal ka.

1 comment:

  1. umuwi ka na nga. talk some sense into me pag uwi mo ah. hay.

    ReplyDelete