Wednesday, July 8, 2009

lahat

eto na naman
walang pakialam
hindi totoo
lagi kang nasa ulo

wala na ring
magagawa
ang gulo
nakakahilo

bakit ganun
ginawa naman lahat
ang sakit
nakakapilipit

habang tumatagal
lalong humahapdi
akala ko
mawawala

lahat ng salita
gumuguhit sa lalamunan
lahat ng halik
tinatago ang katotohanan

hindi ko kaya
pasayahin ka
wala na ring
magagawa

bakit kasi
ginawa mo yun
ngayon
may mga peklat na

masarap
ang sakit
nakikiliti ako
sa bawat tusok

lahat ng akap
kinakain ang mga pangarap
lahat ng tinginan
pinapatay ang katotohanan

bakit
ginawa mo yun
ngayon ako'y
mamatay

No comments:

Post a Comment